Home METRO Negosyante arestado sa tangkang pagpatay sa Maynila

Negosyante arestado sa tangkang pagpatay sa Maynila

MANILA, Philippines – INGINUSO ng isang impormante ang matagal nang wanted sa kasong Attempted Murder ang isang 30-anyos na negosyante sa entrada ng parking area ng isang mall nitong Lunes ng umaga, Nobyembre 20.

Kinilala ang suspek na si alyas “Indong”, residente ng J.Marzan Street, Sampaloc, Manila.

Base sa ulat na isinumiti ni Police Lieutenant Celso Sorita Jr. Kay Police Major Rommel Purisima, hepe ng District Intelligence Division ll, Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) bandang l0:30 ng umaga nang maaresto ang suspek sa naturang lugar.

Si Police Executive Master Sargent Dedimo Alviar, ang nagsilbi ng arrest warrant, habang nakaalalay ang ilang tauhan nito.

Bitbit ang warrant of Arrest na inisyu ni Hon Julie Aylene Mendoza, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 11 na may petsang Pebrero 15,2015.

Si alyas “Indong” ay nasa Most Wanted Person ng District Level.

Gayunman, utos ng korte na magpiyansa ang akusado sa halagang P120,000.00 para sa pansamantala nitong paglaya. Rene Crisostomo

Previous articlePHLPost nagbabala vs phishing messages
Next articleAkyat-bahay kalaboso sa bahay ni lola