Home METRO Negosyante binoga sa ulo, patay

Negosyante binoga sa ulo, patay

MANILA, Philippines – Patay ang isang negosyante makaraang barilin ng dalawang riding in tandem sa Quiapo, Maynila Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Naim Lala y Macalangcom, 27, salesman, tubong Marawi City ,Lanao Del Sur at nakatira sa 872 Arlegui Street, Quiapo, Maynila.

Sa ulat ng MPD-Homicide Section, pauwi na ang biktima mula sa panonood nito ng konsiyerto sa Shariff Mansion sa Quiapo at habang naglalakad sa Arlegui Street ay biglang sumulpot ang nakamotorsiklong mga suspek.

Binaril ng gunman ang ulo ng biktima na nagresulta ng agaran niyang kamatayan.

Alas 11:15 ng gabi nang mangyari ang insidente.

Agad dinala sa Golden Mosque sa Quiapo ang labi ng biktima alinsunod sa kanilang Islamic tradition. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleDrug stores, kinalampag sa pagpapatupad ng VAT exemption sa piling gamot
Next articleTolentino: Ibalik ang focus sa Agricultural High Schools