Home METRO Negosyante patay sa lumipad na motorsiklo

Negosyante patay sa lumipad na motorsiklo

KIDAPAWAN CITY-PATAY ang isang negosyante matapos lumipad ang minamaneho nitong motorsiklo at sumalpok sa kasunod nitong motorsiklo na ikinasugat dalawa nitong Linggo, Pebrero 25 sa bayan ng Midsayap.

Kinilala ang nasawi na si Rey Velasco, 62, residente ng Barangay Bual Sur, Midsayap, North Cotabato.

Ginagamot naman sa ospital ang mga sugatan na sina Edrian Dumelod at Ronelo Adolfo Jr., pawang residente ng Aleosan, North Cotabato.

Batay sa report ng Midsayap Municipal Police Station, bandang 7:20 PM nang maganap ang insidente sa Crossing Bual Sur, ng naturang bayan.

Ayon kay Midsayap Chief of Police, Lieutenant Colonel John Miridel Calinga, minamaneho ni Velasco ang kanyang kulay itim na Yamaha Mio na may plaka MA 13206 at paliko na sana sa nasabing lugar.

Sa bilis ng pangyayari, mistulang lumipad ang motorsiklo ni Velasco dahilan para sumalpok ito sa Honda CRF150 motorcycle na minamaneho naman ni Dumelod angkas si Adolfo.

Dahil dito, bumagsak sa semento ang mga sakay ng motorsiklo na agad naman dinala sa ospital subalit idineklara na rin patay ng umatending doktor si Velasco sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa ulo at mga bali sa katawan. Mary Anne Sapico

Previous articleHawaii binalaan ng US sa pagkuha ng Chinese police ng Kiribati
Next article15K tanim na marijuana sa Sulu, sinunog