Home METRO Negosyante todas sa ‘Joyride’ tandem sa Bulacan

Negosyante todas sa ‘Joyride’ tandem sa Bulacan

Bulacan – Patay ang isang lalaking negosyante matapos barilin ng riding-in tandem na naka-long sleeve na may tatak na Joyride at suot na helmet sa lungsod ng Meycauayan.

Kinilala ng pulisya ang kalunos-lunos na biktima na si Ryan Paul Semion, negosyante, residente ng Lawang Bato, Valenzuela City.

Sa report ng pulisya, nangyari ang insidente bandang 9:30 ng umaga nitong Disyembre 29 sa kahabaan ng NLEX Service road near corner Little Baguio, Brgy. Malhacan.

Ayon sa report, binabagtas ng biktima ang nabanggit na lugar lulan ng black Yamaha Aerox angkas ang kanyang ina nang tabihan ng tandem lulan din ng kaparehong tatak ng motorsiklo.

Walang kaabog-abog na binaril ang biktima na agad bumagsak sa kalsada hanggang kunin ng tandem ang kanyang bag na naglalaman ng P100,000 at mabilis na sumibat sa direksyon ng Malhacan road.

Sinasabing isang witness ang humabol sa tandem subalit binaril din siya ng isa sa suspek at masuwerteng hindi tinamaan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang krimen.(Dick Mirasol III)

Previous articleRider utas sa nakaparadang trak sa Tondo
Next articleGomburza, humakot ng award; Cedrick Juan, naluha!