Home METRO Negosyanteng Chinese dinukot sa Maynila

Negosyanteng Chinese dinukot sa Maynila

MANILA, Philippines – Dinukot ng dalawang hindi nakilalang salarin ang isang negosyanteng Chinese sa harap ng kanyang tahanan sa Sta. Cruz, Maynila Linggo ng gabi, Pebrero 18.

Sa flash alarm report ng MPD Station 3 District Tactical Operation Center, alas-2:50 kaninang madaling araw, kinilala ang biktima na si Qiu, Shangjin, lalake, Chinese, negosyante ng #825 6th flr. Apartment Bldg. Alonzo St., Sta. Cruz, Manila makaraang magpasaklolo ang pamilya ng biktima sa pulisya.

Sa report, alas-9:50 kagabi, Pebrero 18 nang maganap ang pagdukot ng dalawang hindi nakilalang lalake kay Qiu sa harap ng kanyang bahay sa Alonzo St., sa nasabing lugar.

Ayon pa sa ulat, sakay ang mga suspek ng kulay brown na Toyota Innova na may tatak na speed racer sa side panels at logo ng star sa harap ng hood.

Sa nakuhang impormasyon, sinabi ni PLtCol Leandro Gutierrez, MPD-Station 3 Commander na ang unang humawak ng kaso ay ang General Assignment Section ng MPD at kalaunan ay inilipat na ang operasyon sa Anti-Kidnapping Group dahil humihingi na umano ng ransom ang mga dumukot.

Hindi naman binanggit kung magkano ang ransom na hinihingi ng mga suspek dahil nagpapatuloy pa ang negosasyon sa pagitan ng mga operatiba, pamilya at mga kidnapper. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleTolentino panauhing pandangal sa Cavite mass wedding
Next articleHouse reso sa economic Cha-cha inihain