Home METRO Negosyanteng nagpapautang pinagbabaril ng tandem sa Batangas

Negosyanteng nagpapautang pinagbabaril ng tandem sa Batangas

STO. TOMAS, Batangas – Patay ang isang negosyanteng babae matapos na pagbabarilin sa loob ng kaniyang sasakyan, nitong Linggo ng hapon, Enero 21.

Base sa imbestigasyon, papauwi na sana angĀ  44-anyos na biktima nang mangyari ang krimen dakong 1:00 pm sa Barangay San Miguel nitong Linggo kung saan ang mga suspek ay sakay ng motorsiklo na mabilis ding tumakas.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rodel Ban-o, hepe ng Sto Tomas Cty Police na kabilang sa mga anggulong tinitingnan na motibo sa krimen ang negosyong pautang ng biktima.

Susuriin ng mga awtoridad ang mga CCTV camera sa lugar na posibleng nakakuha sa mga salarin. Sinusubukan pang makuha ang panig ng pamilya ng biktima, ayon sa ulat. RNT

Previous articleSuspension ng PH tennis body inalis ng ITF
Next articleKwalipikadong gov’t workers hinikayat mag-aplay sa Grant of Additional Points sa CSE