Home METRO Negosyanteng sabungero kulong sa baril, bala sa Bulacan joint ops

Negosyanteng sabungero kulong sa baril, bala sa Bulacan joint ops

269
0

Bulacan – Arestado ang isang 58 anyos na lalaking negosyante na umano’y nahulihan ng mga baril at bala matapos silbihan ng Search Warrant (SW) ng pulisya sa bayan ng San Ildefonso.

Sa report na nakarating Bulacan Police director P/Col. Relly Arnedo nakilala ang suspek na si Raul Reyes, 58, may-asawa, may farm ng panabong na manok at residente ng Brgy. Pinaod.

Ayon sa report ni San Ildefonso chief of police P/Lt. Col Russel Dennis Reburiano, isinilbi nila ang SW katuwang ang personnel ng 3rd MP 2nd PMFC at RMFB3 Bulacan alas-7 hanggang 7:45 ng umaga nitong Mayo 17 sa Sitio Bakbakan, Brgy. Pinaod.

Nabatid na ang SW ay inisyu ni Hon. Corazon Domingo-RaƱola, 1st Vice Executive Judge, RTC Branch 10, City of Malolos.

Nakumpiska sa lugar ang Shotgun Mossberq, tatlong 12 gauge ammunition, Cal 9mm pistol, 9mm magazine, 20 bala ng 9mm, tatlong magazine ng Cal. 45 at 15 Cal. 45 ammunition.

Sinasabing isinilbi ang SW saksi ang dalawang opisyal ng barangay sa harap ng suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591(Illegal Possession of Firearms and Ammunition). Dick Mirasol III

Previous articleBong Go: P150 umento sa sahod, malaking tulong sa obrero
Next articleTeves walang banta sa buhay, paranoid lang – Pamplona mayor

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here