Home ENTERTAINMENT Negosyo ni Matet, lumalago, nag-branch out na!

Negosyo ni Matet, lumalago, nag-branch out na!

422
0

Manila, Philippines- Si Matet de Leon ang pinakaunang dumating sa bisperas ng kaarawan ng inang si Nora Aunor sa Vertis North Seda Hotel nitong Linggo, May 20.

Upon arrival ay isa-isa nang dumating ang iba pa niyang mga kapatid na sina Ian, Lotlot, Kiko at Kenneth.

Larawan ng masayang birthday girl ang Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts who turned 70.

Kahit daw hingal-kabayo siya’y sulit na nakita’t nakisaya ang kanyang mga mahal sa buhay at mga kaibigan sa showbiz.

Mahihinuhang si Ian ang nasa likod ng 7-minute AVP na nagtatampok ng mga milestones sa buhay ni Nora, kabilang ang mga litrato ng kanyang limang anak noong maliliit pa hanggang nagsilakihan.

Bakas ang tuwa ni Matet na sa wakas ay isang sarado nang aklat ang ‘di nila pagkakaunawaan ni Nora.

Matatandaang Christmastime noong isang taon nang magkaroon ng alitan ang mag-ina.

Hindi nagustuhan ni Matet ang umano’y pakikipagkumpitensya ni Nora sa kanyang bottled food business.

Ilan lang sa mga ibinebenta ni Matet katuwang ang asawang si Mickey Estrada ay naka-boteng gourmet tuyo at gourmet tinapa under Casita Estrada label.

Hindi rin nagtagal ay nagkapaliwanagan at nagkaayos ang mag-ina.

Nilinaw ni Matet na bago pa ang 70th birthday celebration ni Nora ay nag-shooting na sila kasama ang long-time partner nitong si John Rendez nitong January.

Ibinida naman ni Matet na thriving o umaarangkada ang negosyo nilang mag-asawa.

Nadagdagan pa ito ng produkto tulad ng sisig bagoong at bagnet bagoong.

Proof it’s doing brisk business ay ang bubuksan nilang sangay o branch sa San Marcelino Square sa UN, Ermita.

Nakatakda rin silang magbukas ng iba pang branches, “Thriving ang business namin!”

Matatandaang naisipang magnegosyo ni Matet ng bottled food business noong kasagsagan ng pandemya.

Dahil na rin daw ‘yon sa matumal na pinagkakakitaang trabaho sa showbiz.

Samantala, kasama si Matet sa teleserye ng GMA na Love Before Sunrise tampok sina Bea Alonzo at Dennis Trillo. Ronnie Carrasco III

Previous article20% discount sa pre-employment documents pasado na sa Kamara
Next article12 patay sa football stampede sa El Salvador stadium

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here