MANILA, Philippines – Arestado ang magpinsan matapos na umano’y gahasain ang isang 15-anyos na babae sa Pasong Tamo, Quezon City.
Napag-alaman na angĀ biktima ay kaklase ng kaanak ng mga suspek. Nangyari umano ang paggahasa sa menor de edad noong Mayo 31.
Hindi raw agad na nakapagsumbong ang biktima dahil pinagbantaan itong papatayin ng mga suspek.
Naulit pa ito nitong Lunes nang tawagin ng mga suspek ang biktima at ipinasok sa garahe saka may pinainom diot kaya nahilo at muling nangyari ang panghahalay.
Kinabukasan ay nagkaroon ng lakas ng loob ang biktima na magsumbong sa kanyang ina dahilan para masakote ang dalawang magpinsan.
Sinampahan na ang mga suspek ng mga reklamong statutory rape at child abuse. RNT