Nene ‘dinalirot’ ng tiyuhin

Nene ‘dinalirot’ ng tiyuhin

July 1, 2020 @ 10:57 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Roxas City – Tulala ang isang 7-anyos na babae matapos umanong ma-trauma dahil sa pangmomolestiya ng kanyang tiyuhin, iniulat kaninang umaga.

Sinamahan ng kanyang magulang ang grade-1 pupil na biktima sa Women and Children Protections Desk ng Roxas City Police para pormal na magsampa ng kaso laban sa kanyang tiyuhin.

Kuwento ng ama, napansin nila ang anak na tulala at hindi kumikibo ilang araw na ang nakakalipas kaya kanila itong tinanong nang mahinahon.

Dito na napilitang magsumbong ang bata sa magulang hinggil sa ginagawa sa kanyang pangmomolestiya ng suspek.

Ayon sa bata, hinahawakan siya sa maseselang bahagi ng katawan ng tiyuhin at ipinapasok ang daliri nito sa kanyang kaselanan.

Aniya, tinatakot siya ng suspek at sinasabihang huwag magsusumbong kahit kanino ukol sa ginagawa sa kanya.

Sa ngayon ay inihahanda na ng awtoridad ang kasong isasampa laban sa suspek na patuloy na nakatatakas. Mary Anne Sapico

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...