Home METRO Nene ginahasa ng kaibigan sa Caloocan

Nene ginahasa ng kaibigan sa Caloocan

MANILA, Philippines – Tiklo ang isang lalaki matapos nitong gahasain ang kanyang 11-anyos na kaibigan sa Caloocan City.

Sa ulat ng Caloocan police, nangyari ang insidente noon pang Mayo 2023 kung saan nag-iinuman umano ang suspek at biktima kasama ng iba pang kaibigan.

“Base po sa imbestigasyon natin, itong akusado at biktima at kanyang ibang kaibigan ay nag-iinuman ng panahong iyon. After nilang mag-inuman ay nangyari ang ‘di inaasahang insidente na ‘yon. Kinabukasan itong ating biktima ay nagsumbong sa kanyang magulang, sa tatay,” pahayag ni chief investigator Police Major Jansen Tiglao ng Caloocan Police.

Nagtago ang 20-anyos na suspek matapos ang panggagahasa at itinuturing na 9th most wanted ng Northern Police District.

“Noong December 2023, nilabasan po ito ng warrant ng korte. Nagkaroon po tayo ng tip na galing sa barangay na itong akusado ay nandoon sa area. At kaagaran naman nating pinuntahan para ma-serve itong kanyang warrant,” ayon pa kay Tiglao.

Naaresto ang suspek sa Barangay 28 na nahaharap sa kasong statutory rape.

Itinanggi naman nito ang ginawang krimen at itinuro ang isa pa nilang kaibigan na siya umanong salarin. RNT/JGC

Previous articleWitness sa Senate hearing vs Quiboloy, may panibagong pasabog
Next article2 pulis, 1 medic patay sa Minnesota shooting incident