Home METRO Nene pinatay, ibinaon sa loob ng kweba sa Quezon

Nene pinatay, ibinaon sa loob ng kweba sa Quezon

MANILA, Philippines – Natagpuang-patay at nakalibing sa loob ng kweba ang 7-anyos na batang babae sa Lucban, Quezon Province.

Ayon sa pulisya, idineklarang nawawala ang Grade 2 pupil na si “Ali,” residente ng Barangay Palola, gabi ng Enero 13 nang hindi na ito makauwi ng kanilang bahay.

Sa kasunod na araw, nakita ng tiyuhin ng biktima at iba pang naghahanap kay Ali, ang ka-barangay nilang si “Noel,” 33-anyos, na lumabas mula sa isang kweba sa magubat na bahagi ng barangay, dala-dala ang panghukay.

Matapos na umalis si Noel, pumasok naman sa loob ng kweba ang grupo ng mga naghahanap at doon na natagpuan ang bagong hukay na bahagi ng kweba na tinabunan ng mga bato.

Nakita rin sa gilid ng hukay ang tsinelas ng biktima.

Nang hukayin ng tiyuhin ng biktima ang naturang lugar, doon na nadiskubre ang pamangkin at agad ipinagbigay-alam sa mga awtoridad.

Agad na inaresto si Noel at inilagay sa kustodiya ng pulisya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Isasailalim sa post-mortem examination at autopsy ang bangkay ng biktima upang malaman ang sanhi ng pagkamatay nito. RNT/JGC

Previous articleParak na nagpaputok ng baril sa labas ng bar sa QC, sinibak na sa serbisyo!
Next articleDebosyon sa Sto. NiƱo idiniin ni Tolentino sa Sinulog sa Cebu