Bulacan – Arestado ang isang 49-anyos na babae na umano’y nabilhan at nahulihan ng P170,000 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Santa Maria.
Kinilala ang suspek na si Liberty Esplanada, alyas “Nene,” jobless, residente ng Riverside, Brgy. 188, Tala, Caloocan.
Sa report ng Santa Maria police, ikinasa ang operasyon bandang alas-12:05 ng madaling araw ng Hulyo 11 sa Brgy. Poblacion.
Ayon sa report, nabilhan ng isang sachet na pinaghihinalaang shabu ang suspek ng police poseur buyer kaya agad siyang inaresto.
Nakumpiska sa suspek ang kabuuang pitong sachet ng pinaghihinalaang shabu na tumimbang ng 25 gramo, may halagang P170,000 at P1,000 buy-bust money. Dick Mirasol III