Home METRO Neneng ginawang sex slave ng ama, nabuntis

Neneng ginawang sex slave ng ama, nabuntis

387
0

TALISAY CITY- MAAGANG nasira ang kinabukasan ng 11-anyos na nene matapos gawing sex slave ng sariling ama hanggang sa mabuntis sa lungsod na ito.

Ipinagbubuntis ngayon ng biktima na itinago sa pangalan “Dina” ang kababuyang ginawa sa kanya ng sariling ama.

Ayon kay Police Major Karina Onio, deputy chief of police sang Talisay City Police Station, nadakip naman sa isinagawang operasyon ang suspek na itinago sa pangalan Tino at nahaharap sa kasong Rape.

Batay sa salaysay ng biktima, hindi na niya nakayanan ang apat na taon panggagahasa sa kanya ng ama kaya humingi na siya ng tulong sa kanyang ina na 7 na taon ng hiwalay ang mga magulang.

Kaagad naman nagtungo sa nasabing himpilan ng pulisya ang ina ng biktima para humingi ng tulong na nagresulta sa pagkadakip sa suspek. Mary Anne Sapico

Previous articleP6.8M shabu, nasamsam sa Cebu
Next articlePOGO tatalupan ng Senado sa human trafficking

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here