Home ENTERTAINMENT Neri, naka-move on na sa P1k weekly meal plan! ENTERTAINMENTLOCAL BIZSHOWBIZTOP STORIES Neri, naka-move on na sa P1k weekly meal plan! October 12, 2023 12:50 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Maganda nga sana kung makatotohanan ang weekly meal plan ni Neri Naig na aabot lang sa P1,000.Nag-release kasi recently ang asawa ni Chito Miranda ng kanyang tip para sa mga budget-conscious na maybahay ukol sa isang linggong pagkain.At kung meron pa raw sosobra sa isanlibong piso’y maaaring idagdag ito sa baon ng anak.Bagama’t kinakikitaan ng malasakit si Neri sa mga kapwa niya misis, inulan naman siya ng katakutakot na batikos.Saan daw ba sa Pilipinas nakatira si Neri?Saang palengke o grocery raw ba siya namimili ng mga sangkap sa pagluluto?Halata raw na hindi nag-iikot si Neri sa mga palengke dahil hindi niya alam ang patuloy na tumataas na presyo ng mga bilihin.‘Yung sinasabi ni Neri na P1k budget ay pang-isang tao lang, malabong magpakain kahit ng isang maliit na pamilya.Tulad na lang ng presyo ng kamatis na ayon kay Neri ay mabibili ng P20 kada tumpok.Ayon sa isang netizen, P5 na raw ang halaga ng isang piraso na mas malaki pa ang kanyang hinlalaki.Sey naman ng isa pang netizen, bagay lang daw ang P1k weekly meal plan ni Neri para sa mga “manananggal” o kalahati lang ng tao.Kahit daw anong gawing magic para pagkasyahin ang isang libong piso para sa isang linggo’y hindi pa rin uubra dahil ano nga naman ang isasaing mo?Eh, P46 na ang kilo ng pinakamababang bigas.All told, hindi raw makatotohanan ang weekly meal plan ni Neri.At ang lagay na ‘yon ay umaasa pa siya ng sukli???Kung matatandaan, weeks ago ay may hanash ang asawa ni John Estrada na si Priscilla Meirelles sa kanyang social media account.Ikinawindang kasi ng Brazilian beauty ang presyo ng mga pinamili niyang grocery items.Dati-rati raw kasi’y nag-uumapaw ang kanyang mga grocery carts ng items dahil hindi pa raw gaanong kamahalan ang presyo ng mga basic commodities.Baka bukod-tanging si Neri lang ang hindi apektado o umaaray sa inflation!At any rate, naka-move on na si Neri sa mga bashers. Ronnie Carrasco III