Home NATIONWIDE Net income ng SSS noong 2023 lampas ng 62.8% sa target

Net income ng SSS noong 2023 lampas ng 62.8% sa target

MANILA, Philippines- Inihayag ng Social Security System (SSS) nitong Biyernes na nakapagtala ito ng net income na P83.13 bilyon noong nakaraang taon, na lampas sa  P51.06-billion target nito ng 62.8%.

Pinakamataas ding kita ng pension fund ang P83.13 bilyong net income nito noong 2023.

“Our revenue in 2023 grew by 15.6% to P353.82 billion from P306.16 billion in the previous year,” pahayag ni SSS president at CEO Rolando Macasaet.

Nagmula ang bulto ng SSS revenue came mula sa contribution collection, na umakyat ng 18.2% sa P309.12 bilyon mula sa P261.44 bilyong nakolekta noong 2022.

“Our record-high net income last year shows that we continue to strengthen our finances through programs and policies that increase new paying members and strengthen collection efforts,” wika ni Macasaet.

“Our 2023 expenses reflect how SSS has prudently kept its expenses at modest levels and ensure that every peso contributed by its members are well spent for the benefit of all its stakeholders,” patuloy ni Macasaet.

“Our operating expenses last year were only 30.32% of the allowed charter limit of P38.4 billion. Based on our charter, the operating expenses are 12% of the contribution collections and 3% of other SSS income such as investments and loans,” dagdag ng opisyal.

Anang SSS chief, ang financial performance ng pension fund ay sa gitna ng pagsisikap ng pamunuan ng SSS at mga empleyado sa pagpapaigting ng collection activities nito tulad ng pagrehistro ng bagong paying members, pinahusay na koleksyon mula sa delinquent employers, at sa 2023 contribution rate hike. RNT/SA

Previous articleMariel, na-bash sa gluta drip pic; Robin, pinagre-resign!
Next articleTraffic schemes sa Baguio para sa Panagbenga pinaplantsa na