Home ENTERTAINMENT Netizens, kinontra ang pagiging ‘mabait’ ni Alden!

Netizens, kinontra ang pagiging ‘mabait’ ni Alden!

Manila, Philippines- Totoong ni katiting na bagay ay wala kang maipipintas kay Alden Richards.

Pero sa mundo bang ginagalawan natin ay kailangan bang laging magpakabait ang isang nilalang sa kanyang kapwa?

Well, Alden believes so.

Sa kanyang Thread account ay tila nanermon ang Kapuso actor, taking a swipe at a person na hindi naman niya tinukoy.

Ayon sa post ng aktor: “In this world, no matter how you treat other people well, they will treat you unjustly…still be kind.”

Alden justified it by saying: “Because their actions speak a lot about them and your actions speak a lot about you!”

Marami naman ang nag-second the motion kay Alden.

Sa kaso raw ng aktor, anumang kasamaang ginagawa sa kanya ay tiyak na hindi bubuwelta sa kanya.

Still another netizen admitted to not being kind.

Hiling nito’y ibalato ni Alden sa kanya kung sinuman ang taong ‘yon at siya na raw ang bahalang rumesbak para sa aktor.

Sa isang banda, kapuri-puri man ang likas na kabaitan ni Alden ay marami ang ‘di sang-ayon kung lagi na lang daw niyang pinaiiral ito.

Ang tendency raw kasi’y patuloy aabusuhin ang kabaitan ni Alden.

May hangganan daw ang kabaitan, and when pushed against the wall ay papakitaan ba rin ba ng kindness ni Alden ang mga taong pangit ang pag-uugali?

Wala raw masamang magalit lalo’t kung sobra na ang pang-aabuso sa iyo ng iyong kapwa.

It doesn’t make you a bad person.

Sana raw ay ma-realize ni Alden that this is not a perfect world.

In short, be realistic, Alden! Ronnie Carrasco III

Previous article2 timbog sa drogang pinagmukhang regalo
Next articleSharon, nag-emote sa kuya, binura!