Home ENTERTAINMENT Netizens, kumampi kay Lee; Pokwang, ayaw magpaawat!

Netizens, kumampi kay Lee; Pokwang, ayaw magpaawat!

421
0

Manila, Philippines – Sa unang pagkakataon nga’y nagsalita na si Lee O’Brian patungkol sa mga social media hanash ng dating karelasyong si Pokwang.

Matipid at cautious si Lee sa pagbibitiw ng salita.

Aniya, “I love my child (with Pokwang named Malia) nore than anything in this world.”

Hindi rin gumanti ng foul words si Lee laban kay Pokwang who he says he loves her being the mother of their child.

Ito nga naman ang dahilan kung bakit isinipot sa mundo si Malia.

Pero sa halip na maantig ang kanyang damdamin ay naplastikan pa si Pokwang sa pahayag ng ex-partner.

Aniya sa wikang Ingles: “The design is very plastic and narcissistic!”

Sinundan pa ito ni Pokwang ng: “Tama na oyyy!”

Dito na pinasukan ng anti-Pokwang comments mula sa mga netizens ang pahayag na ‘yon ng komedyana.

Mostly women, isa roon ang nag-usisang hindi pa raw ba sapat ang sunud-sunod niyang rants laban kay Lee?

Sagot ni Pokwang: “Wait, there’s more! Hahaha!”

Isa ring netizen na kampi kay Lee ang inireto ni Pokwang sa dating karelasyon.

Base raw kasi sa magandang bio ng netizen ay bagay sila ni Lee, she might as well send it to him.

Isa pang netizen ang hindi nakapagpigil na ikumpara ang isang taong may pinag-aralan sa wala.

This time ay obyus na nanggigigil na si Pokwang dahil wala ni isa ang pumapanig sa kanya.

Resbak niya: “May problema ka sa walang pinag-aralan? Sipsip ka sa puwet ng banyaga!”

‘Yung lagay na ‘yon ay minsan pa lang nagsalita si Lee, how much more kung tulad ni Pokwang ay ayaw din itong paawat sa social media, to think na wala namang masamang sinabi ang American actor.

Dahil nga sa pagiging maginoo nito’y tinawag siyang “gentleman” ng isa pang netizen.

To which ang sagot lang ni Pokwang ay: “Ha???!!!”

Sa bandang huli, isinumpa ng komedyana na tama na raw na napakain niya ito sa loob ng kanilang pagsasama.

Mawawala ba ang “sumbatan portion,” si Pokwang pa? Ronnie Carrasco III

Previous articleITCZ makaaapekto sa Mindanao
Next articleLT, bet kalaplapan si Papa P!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here