Manila, Philippines – Buwisit na bwisit ngayon ang TV host-comedienne na si Ethel Booba sa isang produksyon ng isang game show dahil paulit-ulit siyang ibinu-book para sa guesting niya rito pero lagi namang hindi natutuloy.
Kaya sa pamamagitan ng kanyang Facebook account ay tinalakan niya ang mga nag-imbita sa kanya.
Post ni Ethel, “Pa-book kayo nang pa-book ng sked ng taping! Tapos ireresked nyo! Alam n’yong hindi kami available sa date na gusto n’yong taping!!!
“Nakailang plane tiket na kami kabibili ng tiket! Hindi nyo naman nire-refund. NAKAKALOKA kayo! Itigil nyo na yang game show n’yo!” dagdag na kuda pa ni Ethel Booba.
Nakapagtataka lang kung bakit si Ethel pa ang bumibili ng plane ticket niya gayung dapat ay shoulder ‘yun ng produksyon ng game show na tinutukoy niya ‘di ba?
At mukhang hindi sa Manila ang taping at sa isang malayong probinsiya pa. May plane ticket kasing involved.
Well, ano kayang game show ang tinutukoy ni Ethel?
Sa FB post niyang ito, marami ang nag-react sa kanyang FB followers.
“Hala hingian ng downpayment tapos pag reschedule wag nang puntahan pasaway naman po.”
“Kasi marami ka daw pong pera madam kaya ok lng yan.”
“Game show reveal po LODS!’
“Pangalanan mo na ang gameshow mam E. hahaha!”
“Sayang naman ang binili nang plane ticket ipa-Gcash na lng po ninyo sa amin.” Rommel Placente