SOUTH KOREA – Sa ika-apat na sunod na buwan ay namayagpag sa listahan ng brand reputation index para sa mga girl group sa South Korea ang KPOP group na NewJeans!
Ito ang inihayag ng Korean Business Research Institute ngayong buwan ng Oktubre.
Tinutukoy ang ranking sa pamamagitan ng analysis mula sa consumer participation, media coverage, interaction, at community index ng iba’t ibang girl group.
Ang mga datos ay kinolekta mula Setyembre 9 hanggang Oktubre 9.
Nakapagtala ang NewJeans ng brand reputation index na 5,661,944 for the month of October!
Pumangalawa rito ang IVE sa brand reputation index na 4,207,863, na may 22.99 percent increase sa kanilang score noong Setyembre.
Samantala, nasa ikatlong pwesto ang BLACKPINK sa brand reputation index na 3,674,425, sinundan ng TWICE sa fourth place sa brand reputation index na 2,832,432, at LE SSERAFIM sa top five sa index na 2,687,158.
Pasok din sa top 10 ang mga grupong (G)I-DLE, OH MY GIRL, aespa, Red Velvet, at Girls’ Generation. RNT/JGC