Home NATIONWIDE NFA warehouses ‘di naman dapat isara sa gitna ng imbestigasyon – Ombudsman

NFA warehouses ‘di naman dapat isara sa gitna ng imbestigasyon – Ombudsman

MANILA, Philippines – Kinuwestyon ni Ombudsman Samuel Martires ang pagsasara ng mga warehouse ng National Food Authority (NFA) sa gitna ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa umano’y iregularidad sa pagbebenta ng rice buffer stock.

Sinabi ni Martires na hindi kailangan magsara sng warehouses dahil maaring sa Ombudsman ipasa ang pagsisisi at hindi aniya patas iyon.

Matatandaan na una ng sinuspinde ng Ombudsman ang 100 opisyal at empleyado ng NFA bilang bahagi ng imbestigasyon nito sa naturang isyu.

Gayunman, binawi rin ng Ombudsman ang 6 na buwang suspensiyon ng 23 empelyado ng NFA matapos mapatunayang walang kinalaman ang mga ito sa kontrobersiya.

Samantala, iniutos na ng Department of Agriculture (DA) na apurahin ang pagbubukas ng mga isinarang warehouse ng National Food Authority (NFA) para masiguro ang patuloy na operasyon ng ahensiya at aktibidad ng pagbili ng palay. Teresa Tavares

Previous articleNasa likod ng recruitment ng Chinese sa PCG dapat panagutin – solon
Next articleBatang lalaki nalitson sa kandila