
MANILA, Philippines- Halos walang ipinupuhunan sa redevelopment o reinvestment projects bagkus, ipinamamahagi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang mahigit 99% ng kinikita nito bilang dibidendo sa shareholders.
Natuklasan ito ni Senador Raffy Tulfo, chairman ng Senate committee on energy sa ginanap na imbestigasyon ng Senado sa sunod-sunod na brownout sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Nitong Miyerkules, ginisa ni Tulfo ang NGCP sa imbestigasyon dahil umaabot sa 75 hanggang 99% ng kinikita nito sa buong taon ang napupunta sa dividends na kinokolekta ng shareholders.
Sa pagdinig, kinuwestiyon ni Tulfo ang NGCP hinggil sa kinikita at dividends nito sa 2014, 2015, 2017, at 2019 saka binanggit ang ulat na kakarampot lamang ang inilalaan ng kompanya sa kinikita nito para sa redevelopment o reinvestments.
Inilatag ni NGCP assistant corporate secretary Ronald Dylan Concepcion na ang mga sumusunod ang net income at dividend ng kompanya sa partikular na taon:
2014
-
Net Income: P22 billion
-
Dividends: P24 billion
2015
-
Net Income: P22.5 billion
-
Dividends: P21 billion
2017
-
Net Income: P20.6 billion
-
Dividends: P19 billion
2019
-
Net Income: P20.030 billion
-
Dividends: P15 billion