ANGELES CITY- Kulong ang isang Nigerian matapos mahulihan ng mga awtoridad ng higit sa P136,000 halaga ng shabu sa isinagawang anti-illegal drug operation noong Miyerkules, Pebrero 8 sa lungsod na ito.
Kinilala ang nadakip na suspek na si Emmanuel Chinedu Ejike, 27, ng Barangay Camachiles, Angeles City.
Ayon kay Angeles City police director Colonel Juritz Rara, dakong 10:00 ng gabi nang madakip ang suspek sa Barangay Ninoy Aquino ng naturang lungsod.
Sinabi ni Rara na si Ejike ay isang “high-value individual” na nasa listahan ng pulisya.
Nakuha sa suspek ang nasa 20 gramo ng pinaniniwalaan shabu, P1,000 na nakapatong sa 9 na pirasong “boodle” (play) P1,000 bills.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. Mary Anne Sapico