Home NATIONWIDE Nigerian nat’l timbog sa pagbebenta ng droga

Nigerian nat’l timbog sa pagbebenta ng droga

MANILA, Philippines – Arestado ang Nigerian national  makaraang maaktuhang inaabutan ng hinihinalang iligal na droga ang isang nitong parokyano sa Barangay Talaba 3 sa Bacoor City, Cavite.

Base sa report ng pulisya, kinilala ang suspek na si alyas ‘Wisdoam’, 47- Anyos ng Brgy. Zapote 2, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat ni Pat. Levin Sinatad ng Bacoor CPS   naaktuhan nila ang suspek na nag-aabot ng hinihinalang shabu sa isang hindi kilalang lalaki kung saan kasalukuyang nagsasagawa ng pagpapatrolya sa Barangay Talaba 3, ng nasabing lugar.

Nakumpiska mula suspek ang tinatayang isang gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P6,800 habang ang di kilalang customer ay mabilis na nakatakas.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 ng RA 9165 o may kinalaman sa iligal na droga ang suspek.

Isasailalim din ang suspek sa drug test examination habang ang narekober na shabu ay i-turn over sa Cavite PFU para sa laboratory examination. Margie Bautista

Previous articleEnvi group: Mining ops sa geohazard zones sa Davao, isara!
Next article‘Lolo’ timbog sa mga baril, bala sa Bulacan