Home METRO Ninakaw na washing machine sira pala; isinoli ng kawatan!

Ninakaw na washing machine sira pala; isinoli ng kawatan!

MANILA, Philippines- Ibinalik ng isang lalaki sa may-ari ang ninakaw umano nitong washing washing machine matapos mapag-alamang hindi na ito gumagana.

Bitbit ang sirang kagamitan, ibinalik ito ng 21-anyos na lalaki mula sa Cebu City, na tinukoy ng Inayawan Police bilang repeat offender.

Ayon kay Police Major Jiceree Basitao ng Inayawan Police Station, nakita umano ng may-ari ng washing machine ang pagbabalik ng suspek sa appliance.

Inamin naman ng suspek na ninakaw niya ang washing machine bandang ala-1 ng madaling araw sa Sitio Villa Buena, Barangay Kinasang-an. RNT/SA

Previous articleDSWD: Mahihirap na Pinay suportado ng PH gov’t
Next articleD’Angelo Russell, Lakers nagpaulan ng 3s vs Hawks