Home HEALTH Nipah virus ‘di kakalat nang mabilis gaya ng COVID – Solante

Nipah virus ‘di kakalat nang mabilis gaya ng COVID – Solante

MANILA, Philippines – Hindi kakalat ng kasimbilis ng COVID-19 ang Nipah virus, ayon kay infectious disease expert, Dr. Rontgene Solante.

“I don’t think we will experience the same intensity o rapid spread of infection nang gaya sa COVID. Ang COVID ay respiratory tract infection, itong Nipah, it is usually body fluids. ‘Yung transmissibility niya ay hindi rapid at high kumpara sa COVID,” pagbabahagi ni Solante sa panayam ng DZBB.

“Although it’s remote naman talaga na that the infection will travel that fast kasi it’s so fatal that before somebody from India may be incubating mabilis ‘yung fatality niya maatas,” dagdag pa niya.

Noong Setyembre 14 ay dalawa na ang nasawi dahil sa Nipah virus na kumakalat sa southern Indian state na Kerala.

Ayon sa state health official sa India, ang dalawang matanda at isang bata ay kasalukuyan pa ring infected sa ospital, at mahigit 700 katao naman ang sinusuri pa kung nahawaan ng virus.

Ang virus ay kumakalat sa pamamagitan ng contact sa bodily fluids ng infected na paniki, baboy o tao.

Sinabi naman ni Solante na wala pang aprubadong human vaccines o gamot sa Nipah virus, at ito ay sa pamamagitan lamang ng symptomatic supportive treatment.

“Ang endpoint ng Nipah virus ay brain kaya mataas ang mortality rate nito,” aniya.

Hinimok ni Solante ang publiko na patuloy na imonitor ang posibilidad na makapasok sa bansa ang virus dahil sa pagbiyahe o iba pang dahilan.

“More or less monitoring those who have travel history in India, especially in that region of India, Kerala, based ang monitoring natin dahil medyo vague ang mga sintomas but alam natin na Nipah virus is really a deadly and fatal infection,” sinabi ni Solante.

Ang Nipah virus ay unang natukoy noong 1999 sa isang outbreak sa mga pig fatmers at iba pang may close contact sa mga hayop sa Malaysia at Singapore.

“The route of transmission comes from a bat, and then ‘yung body fluids ng bats at dumi niya will be transmitted to the pig and then the pigs are usually the secondary host. For those who handle those pigs, mangyayari ang tranmission, animal to human transmission,” pagbabahagi ni Solante. RNT/JGC

Previous articleChina sinupalpal ni Teodoro sa patuloy na isyu sa WPS
Next articlePamahalaan ‘di magpapatupad ng fishing ban – PBBM