Manila, Philippines – Close to half a million agad ang inaning views ng larawang ipinost ni Anne Curtis sa Instagram.
Paghahanda kasi ‘yon sa aatenang event ng Gucci known for its high-end clothing, shoes and bags.
Eh, paano nga namang hindi mangangabog si Anne?
Sukat ba namang ang suot niya’y metallic sequined bra top ng Gucci with matching black square pants.
Pero hindi ‘yun ang ‘ika nga’y punchline…. dahil tinakpan lang ang nipples niya as in utong!
Isa nga sa mga mabilis na nag-react ay si Angelica Panganiban itsurang nasa Sydney, Australia ito with Gregg Homan and Baby Bean.
Ani Angelica na aminadong nilukuban ng inggit: “Tigil mo na ‘to, kambal! Ayokong mainggit!”
Reply naman ni Anne, for sure daw ay gagawin din ito ni Angelica when Amila Sabine turns three years old.
Samantala, halatang caught off-guard si Anne nang aksidenteng magkita ang former couple na sina Nadine Lustre at James Reid sa Gucci store opening sa Makati.
Saglit lang nakunan ang eksenang nag-uusap ang dating magkarelasyon.
At mukhang mas na-tense nga si Anne sa tagpong ‘yon.
Inintriga naman sina Nadine at Liza Soberano na kesyo nag-isnaban sa nasabing event.
Liza, as we all know, is under the managerial wings of James who arrived at the event with his girlfriend Issa Pressman in tow.
Maaalalang minsan nang nabalitang si James ang ipinalit ni Liza sa nobyong si Enrique Gil, bagay na hindi naman napatunayan. Ronnie Carrasco III