Home METRO No. 1 at 2 most wanted sa LP arestado!

No. 1 at 2 most wanted sa LP arestado!

232
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga miyembro ng Las Piñas police Warrant and Subpoena Section (WSS) sa isinagawang magkahiwalay na operasyon sa lungsod ang dalawang suspects na tinaguriang No. 1 at 2 most wanted sa buwan ng Hulyo.

Kinilala ni Las Piñas police chief Col. Jaime Santos ang inarestong suspects na sina Jestoni Varona, 21, at Jester Jacoba, 43, kapwa construction workers.

Si Varona ang tinaguriang Top 1 most wanted habang Top 2 most wanted naman sa lungsod si Jacob na parehong nasasangkot sa kasong rape.

Base sa report ni Santos sa Southern Police District (SPD), unang nadakip ng mga tauhan ng WSS si Jacoba dakong alas 2:55 ng hapon sa kahabaan ng Marcos Alvarez, Baranggay Talon Uno, Las Piñas.

Makaraan lamang ang mahigit na isang oras ay sumunod namang naaresto ng nabanggit na grupo si Varona dakong alas 4:00 ng hapon sa Emmahaus Village, Barangay Talon Singko, Las Piñas City.

Matagumpay na naisagawa ng mga miyembro ng WSS ang pagdakip kay Jacoba sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Las Piñas Family Court Judge Mildred Jacinto Marquez ng Branch 2 noong Hunyo 23 na walang rekomendasyong piyansa.

Nadakip naman si Varona sa bisa ng warrant na inisyu din ni Marquez na wala ring inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Makaraang ang pagkakaaresto sa mga suspects ay agad na ipiniit sa custodial facility ng Las Piñas City police ang mga suspects habang hinihintay ang commitment order na manggagaling sa korte para sa kanilang paglipat sa Las Piñas City jail. (James I. Catapusan)

Previous articleDOT “hop-on hop-off tourism bus inilunsad
Next articleP390K shabu nasabat sa Navotas buy bust, 2 tulak, arestado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here