San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan – Arestado ang isang 41 anyos na binatang umanoy sobra sa kahalayan matapos silbihan ng warrant of arrest sa intelligence operation drive ng mga awtoridad sa Ilo-ilo City.
Sa report na nakarating kay Bulacan Police director P/Col. Relly Arnedo nakilala ang naarestong si Ronelo Boholano, rice dealer at pawang residente ng Brgy. Ipil, Balasan, Iloilo na No. 1 Most Wanted and Provincial level 2nd Most Wanted.
Ayon sa report, naaresto si Boholano bandang 9:40 ng umaga nitong Mayo 18 sa Brgy. Ipil nang silbihan ng warrant ng personnel ng warrant section ng SJDM police katuwang ang personnel ng RIU- 6, PNP AKG Visayas Field Unit, Ilo-ilo Satellite Office, Balasan police, Sta Barbara police, RMFB 6, 601st Coy at Ilo-ilo 1st PMFC.
Ang warrant sa kasong rape na walang piyansa, Acts of Lasciviousness in relation to Sec. 5 ng RA 7610 na may piyansang P180,000 at 37 counts ng Sexual Assault in relation to RA 7610 na P180,000 piyansa bawat counts ay inisyu ni Hon. Ma. Cristina Geronimo Juanson, Presiding Judge ng RTC Branch 5FC, SJDM.
Nabatid sa report na ang warrant ay dumating sa naturang istasyon noong September 8, 2022 at sinasabing ginamitan ng Body Worm Camera ang naturang police operation.
Ang akusaso ay kasalukuyang nakakulong sa Balasan police na nakatakdang dalhin sa custodial facilities ng SJDM police para sa kaukulang dokumentasyon. Dick Mirasol III