MANILA, Philippines – NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang No. 1 most wanted ng Talipapa Police Station (PS 3) kahapon sa nasabing lungsod.
Kinilala ni QCPD Director PBGEN Nicolas Torre III ang naaresto na si Edrian Roxas 22 anyos, residente ng No. 137 Geronimo Drive, Brgy. Tandang Sora, Q.C.
Ayon kay PS3 commander PLTCOL Morgan Aguilar, pasado alas-3:00 ng hapon (July 16) ng kanilang maaresto ang suspek sa mismong bahay nito.
Nabatid na si Roxas ay may nakabinbin na warrant of arrest sa kasong Rape na inisyu ni Hon. Rochelles Manuel, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC), Branch 97, Quezon City.
“Dito sa Lungsod Quezon, lahat ng may ginawang krimen ay hindi namin palalampasin, nararapat lang na kayo ay managot sa krimen na inyong ginawa”, pahayag ni Torre. Jan Sinocruz