Home METRO No. 1 Most Wanted sa N. Samar nalambat sa Maynila!

No. 1 Most Wanted sa N. Samar nalambat sa Maynila!

MANILA, Philippines- Kalaboso ang isang 44-anyos na vendor at tinaguriang No.1 Most Wanted sa Northern Samar nang maaresto ng mga tauhan ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) sa isinagawang operasyon sa Intramuros Maynila.

Kinilala ng bagong hepe ng SMaRT na si P/Maj. Emmark Dave Apostol ang suspek na si Erwin Tubula y Durin, may asawa, vendor, mula sa Purok 3, Brgy. Magsaysay, Las Navas, Northern Samar, na naaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ricardo Estavillo Amos ng Regional Trial Court Branch 22, Laoang, Northern Samar dahil sa kasong murder.

Nag-ugat ang operasyon nang makatanggap ng intelligence report ang Manila Police District patungkol sa posibleng kinaroroonan ng suspek kaya’t agad na nagsagawa ng beripikasyon at operasyon sa tulong na din ng SMaRT na nagresulta sa pagkaka-aresto ni Tubula.

Nagbabala naman ang bagong hepe ng SMaRT na walang puwang sa lungsod ng Maynila ang mga kriminal at nagtatago sa batas kaya’t tinitiyak nito na liliit ang kanilang mundo at malaki ang posibilidad na  kanila itong mahuhuli o maaresto. JAY Reyes

Previous articleMedical marijuana mapakikinangan ng cancer, epileptic patients – JV Ejercito
Next articlePagiging mas daring ni Kathryn, inaabangan na!