Home METRO No. 2 top most wanted person ng Malabon, timbog!

No. 2 top most wanted person ng Malabon, timbog!

MANILA, Philippines – BAGSAK sa kulungan ang isang lalaki na wanted sa kaso ng pagpatay matapos masakote sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong akusado na si alyas “Junboy”, nakatala bilang No. 2 Top Most Wanted Person sa Malabon at No. 3 Top MWP naman sa Northern Police District (NPD).

Base sa report ni Col. Baybayan kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 2 ng impormasyon na naispatan ang presensiya ng akusado sa Brgy. Tugatog.

Alinsunod sa pinaigting na kampanya ng PNP kontra wanted persons, kaagad nagsagawa ang mga tauhan ng SS2 ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-5:40 ng hapon sa Progreso street, Barangay Tugatog.

Ang akusado ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Murder na inisyu ni Presiding Judge Ma. Antonia Linsangan Largoza-Cantero ng Malabon City Regional Trial Court Branch 291, noong November 7, 2023 at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya. Boysan Buenaventura

Previous articleKaarawan ni Pope Francis ipinagdiwang kasama ng mga bata
Next articleBiyahe sa mga pantalan sa Cebu, suspendido