MANILA, Philippines – Nadakip ng mga tauhan ng Warant and Subpoena Section (WSS) ng Pasay City police ang No. 4 Top Most Wanted Person sa lungsod nitong Miyerkules, Mayo 24.
Kinilala ni Pasay City police chief P/Col. Froilan Uy ang nadakip na suspect na si John Christian Tanamor y Dio, a.k.a. Buboy, 25, na nahaharap sa kasong paglabag sa RA10883 (New Anti-Carnapping Law) na nakapailalim sa Criminal Case No. R-PSY-23-00588-CR.
Ayon sa report na natanggap ni Uy, nagsagawa ng manhunt operation/Oplan Galugad laban sa mga wanted person ang mga tauhan ng WSS na pinamumunuan ni P/Captain Roque S. Villaruel, Jr. sa ilalim ng superbisyon ni P/Major Remedios Terte, Assistant Chief of Police for Operations (ACOPO) sa kahabaan ng Pasadeña St., Pasay City dakong alas 3:00 ng hapon nitong Miyerkules, Mayo 24.
Ang matagumpay na pag-aresto kay Tanamor ay naisagawa bunsod ng insiyung warrant of arrest na inisyu noong Marso 22, 2023 ni Pasay City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Elenita Carlos Dimaguila ng Branch 298 na may rekomendasyon na piyansang P300,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Advertisement