MANILA, Philippines – Nadakip ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at Station Intelligence Section (SIS) ng Las Piñas City police ang isang suspect na nahaharap sa kasong rape nitong Biyernes, Agosto 25 sa lungsod.
Kinilala ni Las Piñas police chief P/Col. Jaime Santos ang nadakip na suspect na si Sairel Lamido, 23, na tinaguriang top four wanted person sa lungsod.
Sinabi ni Santos inaresto si Lamido ng mga operatiba ng WSS at SIS dakong alas 7:00 ng gabi sa Manggahan, BF Resort Village, Baranngay Talon Dos, Las Piñas City.
Ayon kay Santos, ang pagkakaaresto kay Lamido ay bunsod sa bisa ng standing warrant of arrest na inisyu ni Las Piñas Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Victor Ramirez Aguba ng Branch 225 noong Enero 10, 2023.
Makaraan ang pagkakaaresto kay Lamido ay agad itong ikinulong sa custodial facility ng Las Piñas City police habang naghihintay ng commitment order na ilalabas ng korte para sa kanyang paglipat sa Las Piñas City jail. James I. Catapusan