Home METRO No. 5 most wanted person timbog sa Pasay

No. 5 most wanted person timbog sa Pasay

MANILA, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ang tinaguriang top 5 most wanted person (MWP) sa isinagawang anti-criminality operation nitong Lunes (Enero 15) sa Pasay City.

Sa report na isinumite ni Pasay City police chief P/Col. Mario Mayames sa Southern Police District (SPD) ay kinilala ang nadakip na suspek sa alyas lamang na Char.

Ayon kay Mayames, naisagawa ang pagdakip sa suspect dakong alas 10:50 ng umaga sa kahabaan ng F.B. Harrison St., Pasay City.

Sinabi ni Mayames na ang pag-aresto kay Char, na may kinahaharap na kasong illegal possession of firearms and ammunition, ay naisakatuparan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni issued by Manila Regional Trial Court (RTC) Judge Virgilio Macaraeg ng Branch 37 noong Agosto 17, 2023 na may kaakibat na rekomendasyon ng piyansa sa halagang P120,000.

Bukod sa warrant of arrest ay naglabas din ng bench warrant laban kay Char si Manila Metropolitan Trial Court (MTC) Judge Immaculada Concepcion Cruz ng Branch 18 noong Setyembre 19, 2023 dahil sa kasong illegal gambling na may rekomendasyon ng piyansang P30,000.

Makaraan ang pag-aaresto kay Char ay agad itong inilagay sa custodial facility ng Pasay City police habnag naghihintay ng kanyang commitment order na manggagaling sa korte para sa kanyang paglipat ng piitan sa Manila City jail. (James I. Catapusan)

Previous articleBebot niratrat sa loob ng piggery farm, dedbol
Next articleNagto-tobacco sa buong mundo, kumonti – WHO