Home METRO ‘No face mask, no entry’ rule sa gov’t offices ibinalik sa Angeles...

‘No face mask, no entry’ rule sa gov’t offices ibinalik sa Angeles City

MANILA, Philippines – Muling ipinag-utos ng alkalde ng Angeles City ang panuntunan sa pagsusuot ng face masks kapag papasok sa city hall at lahat ng mga gusali ng local government unit bilang hakbang sa posibleng pagkalat ng COVID-19.

Sa memorandum nitong Miyerkules, Mayo 29, sinabi ni Mayor Carmelo Lazatin Jr. na ito ay ayon sa rekomendasyon ng City Health Office matapos na iulat ng Department of Health ang pagtaas sa mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

“The wearing of face masks shall be strictly enforced inside all city government offices, especially inside Angeles City Hall,” ani Lazatin.

Hinimok ng alkalde ang mga residente na palaging magsuot ng face masks sa mga pampublikong lugar at public transportation.

Nag-abiso din siya tungkol sa one-meter physical distancing at hinimok ang mga pribadong establisyimento na maglagay ng sanitizing stations at regular na disinfection sa kanilang mga lugar. RNT/JGC