Home OPINION NO PARKING ZONE SA MAYNILA DAPAT ‘TUKOY’

NO PARKING ZONE SA MAYNILA DAPAT ‘TUKOY’

145
0

HUWAG na mangahas pang pumarada sa mga lugar na ‘no parking zone’ sa Maynila, ayon sa Manila Traffic and Parking Bureau, ang mga pasaway na motorista at riders upang hindi sila magmulta nang doble.

Sinabi ni Wilson Chan, operations chief ng MTPB, ang mga driver ng mga sasakyang mahahatak patungo sa impounding area dahil sa iligal na pagparada ay magmumulta sa pagtubos ng sasakyan bukod pa sa pagbabayad ng tiket para sa Ordinance Violation Receipt.

Ang ipinatutupad na patakaran sa Maynila ay kaparehas din nang
ipinatutupad ng Metro Manila Development Authority sa buong National Capital Region.

Iginiit ni Chan na ang pag-iisyu nila ng tiket sa mga driver nang mahihilang sasakyan ay batay sa opinyon ng kanilang legal experts sa Manila City Hall upang maiwasan na rin ang posibleng pagkakaso sa kanila ng motoristang nahatakan ng sasakyan.

Marami talagang pasaway na motorista o mga driver ng sasakyan sa Maynila na basta na lang pumaparada sa kung saan-saan tulad sa Blumentritt Extension na marami ang mga karinderia na ginawang parking area ang mismong gitna ng kalsada.

Ang mga driver, basta na lang pumaparada, idinadahilan na gutom o kumakalam na ang kanilang sikmura.

Maganda sanang tukuyin ng MTPB ang mga lugar na pwede at hindi pwedeng paradahan. Hindi sana iyong tipong “naglalaro ang daga kapag tulog ang pusa.”

Ang nangyayari kasi, kapag tanghali na at pawang kumakain at
nagpapahinga na ang ilang traffic enforcers at parking attendants ay tila parang mga daga na naglabasan ang mga driver na pasaway at basta na lang paparada sa kung saang malapit na kainan o pwede nilang pahingahan.

Pero ang totoo, nakatimbre na sila sa ilang taga-MTPB kaya dedma na lang ang mga ito kapag pumarada sila sa lugar na hindi pwedeng paradahan o lugar na masikip at lalong sumikip dahil sa kanilang pagparada.

Maganda talagang tukuyin ang mga lugar na pwede at hindi pwedeng paradahan sa Maynila. May mga establisimyento kasi na bagaman maayos ang parada ng sasakyan subalit kapag napagtripan ng MTPB sa kanilang pagdaan sa lugar ay kanila kaagad ika-clamp.

Kasi nga, malinaw na pera kapag tinubos na ang sasakyan.
Pero kung magiging parehas lang ang MTPB sa kanilang trabaho, at matutukoy ang mga lugar na bawal paradahan, tiyak na susunod naman ang mga tao dahil ayaw naman talaga nilang magmulta bukod pa sa maabala.

Previous articleKAYQUIT ELEMENTARY SCHOOL TINULUNGAN NG AKRHO INDANG
Next articleHETO NA NAMAN SILA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here