Home NATIONWIDE ‘No significant sightings’ sa dagat ng Northern Luzon – PAF

‘No significant sightings’ sa dagat ng Northern Luzon – PAF

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine Air Force (PAF) nitong Lunes, Pebrero 26 na walang nakitang kakaibang aktibidad o ‘sightings’ sa mga dagat sa Northern Luzon, ayon sa resulta ng kanilang maritime patrol.

“Executing the mission with a C-295 aircraft, the PAF covered key areas, including Itbayat, Sabtang, and Babuyan Islands. No significant activities or sightings were reported during the monitoring of these areas,” saad sa pahayag ni PAF spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo.

Dagdag pa niya, nakasuporta rin sa maritime patrol operations ng Northern Luzon Command sa area of jurisdiction nito ang C-295 aircraft.

Ani Castillo, handa ang PAF na makipagtulungan sa iba pang sangay ng Armed Forces of the Philippines at unified commands upang siguruhin ang maritime territories ng bansa.

“The PAF remains committed to ensuring a coordinated response and comprehensive security along the country’s maritime borders,” aniya.

Kamakailan ay nanawagan si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ng mas maraming military presence sa Batanes.

Sinabi rin ng Naval Forces Northern Luzon na ipinag-utos ni Teodoro ang mas mataas na “operational tempo” para sa AFP simula ngayong taon. RNT/JGC

Previous articlePadilla humingi ng tawad sa Senate officials sa IV drip session ni Mariel
Next articleCCG inakusahan ng PCG sa pananabotahe sa operasyon sa WPS