Home NATIONWIDE Nograles dumalo sa Global Government Summit sa Singapore

Nograles dumalo sa Global Government Summit sa Singapore

80
0

MANILA, Philippines – NAGKAROON ng pagkakataon si Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Nograles na makaharap ang mga global senior government official sa kanyang pagdalo sa Global Government Summit (GGS) na idinaos sa Singapore kamakailan.

Ang Singapore Government ang siyang tumayong host sa nasabing two-day event, na inorganisa naman ng Global Government Forum nitong nakaraang Pebrero 1 at 2, 2023 kung saan tinalakay ang mga hamon na kinakaharap sa kasalukuyan ng civil service sa buong panig ng mundo.

Sa pamamagitan ng GGS, nabigyan ng confidential at informal space ang mga participants para sa malaya nilang pagtalakay sa iba’t-ibang pananaw, karanasan, naging katagumpayan at kamalian, gayundin ang mas higit na mapag-aralan ang maaaring solusyon sa aspeto ng pagiging lingkod bayan.

Bukod sa aktibong paglahok sa global forum na ito, mayroon ding naganap na bilateral meeting sa pagitan nina Singapore Civil Service head Leo Yip noong Miyerkules, Pebrero 1 at natalakay nila kung ano ang tungkulin at mandato ng kani-kanilang ahensiyang pinamumunuan.

Napag-usapan din nina Nograles at Yip ang iba pang posibleng magiging pagtutulungan at oportunidad sa pagitan ng Singapore at Pilipinas lalo na sa larangan ng digitization at digitalization. RNT

Previous articleEx-BIR employee, kulong sa pangongotong
Next articleNU-Manila grad nanguna sa Sanitary Engineer licensure exams