NORTH KOREA – Niluwagan na ng North Korea ang istrikto nitong pandemic-era isolation sa muling pagpayag nito na makapasok sa bansa ang mga residenteng naninirahan abroad.
Ayon sa state-run KCNA, sinabi na inanunsyo ng State Emergency Epidemic Prevention Headquarters na ang mga “citizens abroad have been allowed to return home”.
“Those returned will be put under proper medical observation at quarantine wards for a week,” sinabi pa sa report.
Idinagdag din na ang desisyon ay ginawa, “in reference to the eased worldwide pandemic situation.”
Matatandaan na isinara ng North Korea ang mga hangganan nito noong 2020 bilang tugon sa COVID-19 pandemic.
Bago pa ang anunsyo, kapansin-pansin na rin ang mas malayang galaw ng mga tao papasok at palabas ng North Korea, katulad ng mga dumalong Chinese at Russian officials sa military parade sa Pyongyang noong nakaraang buwan.
Noong nakaraang linggo nmaman ay pinayagan ang delegasyon ng mga atleta ng North Korea na makadalo sa taekwondo competition sa Kazakhstan, habang isinagawa rin ng state-run Air Koryo ang kauna-unahan nitong international commercial flight sa loob ng tatlong taon. RNT/JGC