Home TOP STORIES NoKor naglunsad ng ballistic missile kasabay ng democracy conference sa SoKor

NoKor naglunsad ng ballistic missile kasabay ng democracy conference sa SoKor

SEOUL- Naglunsad ang North Korea ng ballistic missile sa dagat nitong Lunes, sa unang pagkakataon sa loob ng dalawang buwan, kasabay ng pagbisita ni U.S. Secretary of State Antony Blinken sa Seoul upang dumalo sa conference na inorganisa ni President Yoon Suk Yeol ukol sa pagsusulong ng demokrasya.

Ayon sa militar ng South Korea, inilunsad ang missile sa silangan ng Korean peninsula. Iniulat din ng coast guard ng Japan ang na-monitor ang aktibidad, kung saan gumamit umano ng tila ballistic missile.

Kalaunan ay inihayag ng Japan na natukoy nito ang ikalawang ballistic missile launch ng North, na bumagsak din sa labas ng exclusive economic zone area nito.

Nagsasagawa ng exercise ang militar ng North Korea gamit ang conventional weapons sa mga nakalipas na linggo, na madalas saksihan ng leader ng bansa na si Kim Jong Un. RNT/SA

Previous articleDagdag-singil sa toll sa MCX epektibo ngayong Lunes, Marso 18
Next articleP1.2M tsongki nasamsam sa estudyanteng tulak