Home NATIONWIDE NoKor nagpakawala ng short-range missile

NoKor nagpakawala ng short-range missile

NORTH KOREA – Nagpakawala ang North Korea ng short-range ballistic missile nitong Linggo, Disyembre 17 kasabay ng pagkondena sa pagpapakita ng lakas ng United States sa naturang rehiyon kabilang ang pagdating ng submarine sa South Korea.

Ang missile ay inilunsad patungo sa east coast ng North Korea, at lumipad ng 570 kilometro bago bumagsak sa karagatan, ayon sa South Korean Joint Chiefs of Staff (JCS).

Ito ay sa kabila ng babala ng mga opisyal ng Seoul at Tokyo na ang nuclear-armed North Korea ay naghahanda sa test-fire ng isang missile, kabilang ang isa sa pinakamahabang range na intercontinental ballistic missiles (ICBMs) ngayong buwan.

Nauna nang ipinagbawal ng United Nations Security Council resolutions ang ballistic missile activities ng North Korea, bagamat idinipensa ng Pyongyang na karapatan nila ito para sa self defense.

“North Korea’s recent ballistic missile launch is a clear violation of the United Nations Security Council resolution, which prohibits the use of ballistic missile technology and scientific and technological cooperation,” saad sa pahayag ng JCS ng South Korea.

Ang naturang missile ay iniulat na bumagsak sa dagat na sakop ng Japan. RNT/JGC

Previous articlePH, Japan nagpulong sa pagpapalakas sa maritime safety, energy cooperation
Next article100 pang POGO workers pauuwiin pagkatapos ng Pasko – BI