Home NATIONWIDE Nominasyon ni Alexander Lopez bilang PRA chair oks kay PBBM

Nominasyon ni Alexander Lopez bilang PRA chair oks kay PBBM

MANILA, Philippines- Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nominasyon ni Alexander Tantoco Lopez bilang chairman ng Philippine Reclamation Authority (PRA). 

Inanunsyo ito sa liham na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may petsang November 7. 

Nag-abiso ang Presidential Communications Office (PCO) nitong Biyernes ukol sa appointment ni Lopez bilang miyembro ng PRA Board of Directors.

Ayon kay Bersamin, magsisilbi si Lopez sa “unexpired term of office” mula July 1, 2023 hanggang June 30, 2024, bilang kahalili ni Henry Robinson Jr.

Samantala, itinalaga si Cesar Siador Jr. bilang general manager at chief executive officer ng parehong ahensya.

Sina Siador at Anthony Peter Crisologo ay kapwa itinalagang miyembro ng Board of Directors. 

Ang PRA, isang government agency na naka-attach sa Office of the President, ay nagsisilbing clearing house para sa lahat ng reclamation projects sa Pilipinas. RNT/SA

Previous articleMMDA: Road excavations suspendido ‘gang Enero 8
Next articleKotse inararo ng trak, 4 todas!