Home HOME BANNER STORY Non-military approach sa Ayungin Shoal iniatas ni PBBM

Non-military approach sa Ayungin Shoal iniatas ni PBBM

MANILA, Philippines – IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumamit ng ”civilianize” approach sa Ayungin Shoal.

Ito ang inihayag ni National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) spokesperson Jonathan Malaya nang tanungin kung papatulan ng Pilipinas sa pamamagitan ng Philippine Navy, ang mga ginawa ng China, makailang ulit na kasing hinarangan ng China Coast Guard at maritime militias ang nasabing lugar sa ilalim ng Chinese military commission.

“That is a decision that has to be made by higher authorities because we want to keep the tension low in the WPS,” ayon kay Malaya sa isang panayam.

“And there is an instruction from the President to civilianize the approach to Ayungin. So it’s going to be Coast Guard against Coast Guard, and the Navy is only in support,” dagdag na wika nito.

Ang China Coast Guard at maritime militia vessels ay kapuwa nagsagawa ng mapangnib na pagmaniobra at paggamit ng water cannons laban sa Philippine ships sa isinagawang resupply missions sa BRP Sierra Madre sa Ayungin.

Nauna rito, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na handa itong magpadala ng mas maraming vessels na mage-escort SA mga bangka para sa resupply missions sa Ayungin Shoal.

Tinatayang 43 diplomatic protests ang isinampa ng Pilipinas laban sa naging aksyon ng China sa West Philippine Sea ngayong taon “as of September 12,” ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Nito lamang Pebrero 6, direktang pinatamaan ng Chinese vessel ng laser light ang PCG ship BRP Malapascua nang magkaroon ng ‘rotation at resupply mission’ ang Philippine Navy.

Bukod dito, nito lamang Agosto 5, hindi lamang binomba ng CCG ships ng water cannons ang Philippine vessels kundi ginawan din ito ng mapangnib na pag-maniobra para i-isolate at paligiran ang mga ito.

“The Philippine vessels were escorting ”indigenous boats” to deliver food, water, fuel, and other supplies to military troops stationed on the BRP Sierra Madre at Ayungin Shoal,” ayon sa ulat.

Habang nito lamang Agosto 22, iginiit ng PCG ang international law at exclusive economic zone ng bansa nang sagutin nito ang radio challenges na tinransmit (transmit) ng Chinese counterparts nito noong panahon ng matagumpay na resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Ang July 2016, Permanent Court of Arbitration sa The Hague, base sa kasong isinampa ng Manila, binasura ang ginawang pa-angkin ng Beijing sa South China Sea subalit tumanggi naman ang China na kilalanin ang nasabing ruling. Kris Jose

Previous articleFuel subsidy ng gobyerno lusot sa election spending ban
Next articleStarkada pinakilala ng Net25