Home NATIONWIDE ‘Non-regional’ nations walang karapatang makialam sa PH-China issue sa WPS – Chinese...

‘Non-regional’ nations walang karapatang makialam sa PH-China issue sa WPS – Chinese exec

MANILA, Philippines – Walang karapatan na makialam sa isyu ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea, ang mga “non-regional” country, sinabi ng isang Chinese official.

“No non-regional country has the right to interfere in the maritime disputes between China and the Philippines,” pahayag ni Chinese Ministry of Foreign Affairs spokesperson Mao Ning sa press conference nitong Huwebes, Enero 11.

Ani Mao, handa ang China na tugunan ang isyu sa pamamagitan lamang ng dialogue at konsultasyon sa concerned countries at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ang pahayag na ito a kasunod ng sinabi ni German Foreign Minister Annalena Baerbock, sa pagbisita sa Manila, na ang “dangerous maneuvers” ng barko ng China laban sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea ay nagdudulot ng pangamba sa Europe.

Ani Baerbock, nilalabag ng mga aksyon na ito ang international laws at freedom of navigation.

“I think we all agree that the world doesn’t need another crisis. There are rough winds blowing across the South China Sea, and this is happening in the middle of one of most dynamic economic regions of the world,” pahayag ni Baerbock.

Idinagdag din niya na ang pinakahuling insidente ng pagtutok ng laser ng Chinese Coast Guard at pagbomba ng water cannon laban sa mga barko ng Pilipinas, at iba pang insidente ng banggaan, “are of concern for us in Europe even though we are thousands of kilometers away.”

“Such risky maneuvers violate the rights opportunities for economic development of your own country and other littoral states as well,” sinabi pa ni Baerbock.

Matatandaan na naging matunog at usap-usapan ang mga isyu ng panggigipit ng China sa Pilipinas sa West Philippine Sea. RNT/JGC

Previous articlePagtalaga kay Recto bilang DOF chief, pinuri sa Senado
Next articleRecto nanumpa na bilang DOF chief