Home ENTERTAINMENT Nora Aunor, namahagi ng ayuda sa mga Aeta!

Nora Aunor, namahagi ng ayuda sa mga Aeta!

1842
0

Manila, Philippines – Bilang bahagi ng kanyang 70th birthday ay dinalaw ng Superstar at National Artist na si Nora Aunor ang ating mga kapatid na Aetas sa Sapang Uwak, Porac Pampanga. Naging matagumpay ito at labis ang kagalakan at kasiyahan ang kanyang naramdaman.

“Napakasaya ko po dahil ngayong araw na ito ay nakasama ko po kayo at naging espesyal ang pagdiriwang ng aking kaarawan. Asahan po ninyo na babalikan ko po kayo,” sabi ng premyadong aktres sa harap ng mga katutubong Aeta.

“Sana po ay masiyahan po kayo sa konti po naming nakayanan para sa inyo katulong po ang aking mga minamahal na Noranians at si John Rendez. Ipinapangako ko po na hindi ito ang huli nating pagkikita. Babalik at babalik po ako sa inyong lugar. Asahan po ninyo ‘yan,” pagpapatuloy pa niya.

Namahagi ng grocery items, pera at pagkain ang aktres na labis na ikinatuwa ng mga kababayan nating Aeta.

Sa tuwa nila ay hinandugan nila ang National Artist ng awitin at ang iba ay sumayaw pa sa harap niya na suot ang katutubo nilang kasuotan. Binigyang-din ng sari-saring prutas ang aktres bilang regalo sa kanya.

Karamihan sa mga Aeta lalo na ang matatanda ay naging emosyunal sa pagdalaw ng Superstar.

Sabi nga nila, ngayon lang daw sila dinalaw ng isang artista at sikat pa. Hindi raw nila makalimutan ang araw na pinuntahan sila ni Ate Guy.

Ang pagbisita ni Nora sa mga katutubong Aeta ay isa lang sa mga outreach program na ginagawa at gagawin pa ng aktres. Nagpapasalamat siya sa mga tumulong sa proyekto niyang ito sa pangunguna ng mga Noranians, John Rendez, sa Presidente ng NOW na si Edgar Castro, Rodel Fernando, Gigi Bundoc, Susan Bundoc , Emma Cordero, Emily Marin ganundin sa mga coordinator na sina Aida Laquindanum Clave at Patricia Rozein ng Pampanga. Siyempre pa, ang barangay council ng Sapang Uwak, Porac, Pampanga, kay Analyn Santiago at kanyang pamilya.

Pinasasalamatan din ng aktres ang kayang fans club na Federation of Nora Aunor Followers. Grand Alliance for Nora Aunor Philippines Inc.GANAP D’Solid Noranians SOLID NORA TIRSO FOREVER, BONA (Believers Of Nora Aunor) at Kabataan For Ate Guy.

Nandoon din ang ilang members ng NFF (Nora’s Friends Forever) sa pangunguna ni Ghie Tamayo. Rodel Fernando

Previous article9 Pinoy na biktima ng sex trafficking abroad, pinauwi na – BI
Next articleNagpakilalang tauhan ng MMDA, arestado sa robbery extortion, usurpation of authority

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here