Home NATIONWIDE Northeasterly surface windflow magpapaulan sa Batanes, 3 pang lugar

Northeasterly surface windflow magpapaulan sa Batanes, 3 pang lugar

MANILA, Philippines- Magpapaulan ang northeasterly surface windflow na nakaaapekto sa Extreme Northern Luzon sa Batanes at tatlo pang lugar ngayong Lunes, ayon sa PAGASA.

Makararanas ang Batanes, Cagayan, Isabela, at Apayao ng partly cloudy to cloudy skies na mayroong isolated light rains.

Samantala, inaasahan naman sa Palawan ang maulap na kalangitan na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa trough o extension ng low pressure area.

Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa naman, magkakaroon ngl partly cloudy to cloudy skies na mayisolated rain showers dahil sa localized thunderstorms.

Ang coastal waters ay magiging moderate to rough sa Northern at Central Luzon, at slight to moderate sa natitirang bahagi ng bansa.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:48 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:36 ng hapon. RNT/SA

Previous articleMGA GINTONG ARAL SA ASIAN GAMES
Next articleGIYERA SA LUPANG BANAL