MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan at isolated na pag-ulan ang habagat sa kanlurang bahagi ng Northern at Central Luzon ngayong Biyernes, iniulat ng PAGASA.
Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa habagat at mga localized thunderstorm na may flash flood o landslide na posibleng mangyari sa panahon ng matinding pagkulog.
Ang buong bansa ay makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang bilis ng hangin na kumikilos sa timog hanggang timog-kanluran habang ang mga baybaying dagat ay magiging mahina hanggang sa katamtaman.
Sumikat ang araw bandang 5:44 a.m., at lulubog ito ng 6:03 p.m. RNT