Home NATIONWIDE Northern Luzon target na venue ng Balikatan 2024

Northern Luzon target na venue ng Balikatan 2024

MANILA, Philippines – Ikinokonsidera ng mga organizer ng Balikatan exercises ngayong taon ang ilang lugar sa Northern Luzon kabilang ang Mavulis Island sa Batanes na maging venue ng taunang drill.

“Ang ating exercises ay iniikot natin sa ibat ibang parte ng Pilipinas. Right now, kino-consider ang mga outlying areas natin kasi nga sabi ko nga kanina, externally-oriented na tayo. So pati sa ating exercises. One of the areas being considered is Northern Luzon. Kino-consider pa lamang at wala pang final na desisyon,” pahayag ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Roy Vincent Trinidad sa panayam ng DZRH nitong Linggo, Pebrero 11.

Nang tanungin naman kaugnay sa kautusan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na palawakin ang presensya nito sa Batanes, sinabi ni Trinidad na ito ay dahil sa tumataas na banta ng communist insurgency.

Dahil dito, ang AFP ay magkakaroon ng shift sa focus nito mula sa “internally oriented to externally oriented.”

“We could now focus on the greater task of defense and security na palabas ang orientation,” ani Trinidad.

Samantala, muling sinabi ni Trinidad ang posisyon ng DND na hindi dapat pakialaman ng China ang Pilipinas sa kung anuman ang magiging plano nito sa defense at security posture, sabay-sabing ang hakbang na ito ay “all part and parcel of securing what is ours.”

Kamakailan ay binantaan ng China ang Pilipinas na huwag makipaglaro ng apoy sa isyu sa Taiwan, kung saan ang Batanes ay malapit na rito.

“China‚Äôs pronouncements and acts are the main reasons for its low credibility with the Filipino people. China should refrain from engaging in provocative rhetoric and activities if it truly wants to earn the widespread trust and respect that it is trying so hard to gain but has, so far, been unable to,” ayon sa DND. RNT/JGC

Previous articleBataan, Zambales, Cebu binulabog ng bomb threat
Next article4 American sex offenders, hinarang ng BI