MANILA, Philippines – Magdadala ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Northern Luzon ang shear line at trough ng low pressure area (LPA).
Ayon sa PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang ilang bahagi ng Batanes, Caraga, at Davao Region.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa naman ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers at thunderstorm.
Inaasahan ang mga pagbaha at pagguho ng lupa sa panahon ng malalakas at biglaang pag-ulan. RNT/JGC